Babala: Sensitive ang mga pictures. Based ito sa actual na nangyari.
Hulyo 18, Lunes, Gabi.
Kumain kami mga bandang 6:30 ng gabi. Pagkatapos ay nag-hugas ako ng mga pinagkainan at nag-after clean ng lahat. Nang ako ay tumungo sa banyo, nakita ko ang isang maliit na daga o yung tinatawag na bubwit. Sumigaw kaagad ako,
"Syet!, may dagaaaaaaaaa!!!"
Natakot ako ngunit para bang natakot din siya at siniksik niya ang kanyang sarili sa isang sulok at hindi gumagalaw. Tinawag ko ang bunso sa amin at pinakuha ko agad-agad ang alaga niyang pusa (puti at may asul na mga mata). Ganoon ako ka desperada na mawala iyon at mapatay na (ayoko talaga ng daga sa bahay o kahit anong pesteng creatures, sino ba hindi db?).
Ngunit ang pusa ay tila bagang ayaw magpakita at nawawala. Kung kailan kailangan siya saka naman wala. (Bwiset yon', pag kakain kami lagi na lang biglang susulpot, minsan pa nga ay magugulat ka talaga sa kanya.)
Sigaw pa din ako ng sigaw, "Hanapin niyo, dali..." Di kasi gumagalaw yun daga. Mainam kako at madali siya mahuhuli. Dumating na ang kapatid ko dala ang pusa. Hinagis niya kung nasaan ang daga. Ngunit medyo "stupid" yun pusa, at di niya napansin. Hanggang sa pinagdildilan na ng kapatid ko. Finally, nakita at kinagat kagad niya yun nakakainis na bubwit. Lumabas ang pusa patungo sa sala, bitbit sa kanyang bibig ang bubwit. Kanya-kanya kami ng reaksyon. Ang pinsan ko na may ginagawa sa may laptop ay biglang napahinto. Ganoon din ang kapatid ko na si Carina, na nagrereview. Ako at si bunso ay sumunod sa sala at pinagkatuwaan namin lahat ang eksena nung pusa at daga. Tuwang-tuwa kami na nanunuod. At naisipan pa namin na kunan ng litrato. Nakakapagtaka lang kung ano ang tumatakbo sa isip nung pusa. Bakit kasi ayaw pa niya kainin at talagang pinaglalaruan pa niya ang bubwit. Hahayaan niya na maglakad si bubwit, pagkatapos ay bigla niyang susunggaban. Aakto pa ang pusa na dahan-dahan naglalakad, na may matang lumiliksi na nakatanaw sa daga at biglang susunggaban. May pagkakataong pa na parang i-eat bulaga niya ang bubwit. Nakakatawa. Kada galaw niya sa bubwit ay kinukunan namin ng picture (tamang trip lang).
|
Bulaga! |
|
Kawawang BUBWIT |
Maya-maya ay napansin namin na hindi na gumagalaw ang kawawang bubwit. Pag tinitigan mo pa nga ay mapapansin mo na hinihingal na siya at tila ba malalagutan na siya ng hininga, mamamatay na. Pero patuloy pa din ang pusa. Nung nagsawa na siya ay ginamit na niya ang kanyang matatalim na ngipin, kinagat, nginuya, kinain, nilunok. Wala na ang bubwit. Wala na rin ang tawanan. Bigla na kami nandiri. Nang aming i-preview ang mga pictures, naawa kami sa bubwit. Aming pang ini-zoom ang mga larawan at nakita namin ang lupaypay niyang katawan. Kita ko na para bang gusto niya kumawala pero wala siyang laban.
No comments:
Post a Comment