Ilan beses na nangyari sa akin ang mga biglaan. Yun tipong out of nowhere, sasabihin na lang eh TARA??
Biglaang inuman, TARA?
Biglaang SM, TARA?
Biglaang stroll, TARA?
Biglaang luwas, TARA?
Biglaang swimming, TARA?
Biglaang home buwisit, TARA?
Biglaang overnight, TARA?
Biglaang kain nga ng bongga meron din eh. HAHA!
Biglaang HARRY POTTER??? Oo. Akalain mo. Ang barkada ay naka set ng Monday, July 18. After lunch pa nga eka weh! Balak pa ni Mr. Melvin Mangahas na hindi pumasok sa unang meeting nila ng subject na Conversational English. HAHA!
Saturaday, July 16.
Puyat ako dahil gumawa ako ng unang blog ko dito. Inabot ako hanggang ala una ng madaling araw. Pagkatapos ay gumising ng maaga at may pasok ng 9am kay #Mamita (Melody Tolentino). Late na kami. Magagaling kasi kami. HAHA! Akala kasi namin wala pa si Ma'am. Nagkita kita kame sa may Registrar ng B.U. (Tagged: ako, Miyo, Melvin, Rem)
Umakyat kami sa radio lab. Hiningal ako dun. Tas konting chikahan. At inayos ang mga blogs at accounts namin. Nagklase kami. After ng klase pinuntahan namin si #Chad, sa may reading center. Tapos sabay sabay kami pumunta ng -----(sikretong malupet!) hahaha. Kasabay na namin si Gerard. Pagdating dun walang kanin! hmp. Sila miyo, chad at jjamps eh sa iba na lang tumungo. Kami naman ni Gerard ay nag-antay. Kumaen. Nabusog. :)))
Nagpunta kami ng library bandang 1pm. Nagbasa ako ng ilang libro. Habang ng kaklase sina #Arpee at Gerard kay Ma'am Vicky. *medyo tamad talaga yun dalawa! HAHA!
Umuwi sa bahay. Doon nagpalit ng damit si Gerard (duty niya sa Mcdo ng 4pm). Ako naman eh natulog mga 20 mins pa lng siguro yun eh nagising ako at napakainet! Kaimbyerna ang inet sa kwarto kaya, nagbukas pa ako ng aircon. Di pa man din humihimbing yun tulog ko eh. Umakyat ang bunso ko kapatid, si Rap. Sinilip lang niya ako. Tas tulog ulit. Maya-maya umakyat na naman.
"yun kaklase mo MALAKI! andito..." HAHA! (si chad yun)
Sabi ko, "Baka kukunin lang yung HP dvd."
"E kasama kaya yun isa pa lalaki"
"Sino?"
"Yun kasama mu nun sa Pageant!"
"Si Melvin?! Bakit naman kaya?"
Bumaba ako. Si Chad ay inaabangan ako sa baba.
"INNA! Ngayon na tayo manood ng HARRY POTTER!"
"HA? di nga? Ayan si Gerard Paano?"
"Si Mamita mo, biglang nag-aya!"
"WAAA! haha. TARA, TARA!
Biglaang TARA! :) HP the best! Worried nga lang ako at si Gerard ko eh di kasama.
KAYA....
No comments:
Post a Comment